Pinay aktres, nominated sa Hong Kong film awards; Carmina Villaroel, no regrets sa naging past relationship

1636

Nominated ngayon sa Hong Kong film awards ang Pinay actress na si Crisel Consunji.

Nakuha ni Consunji ang nominasyon para sa dalawang major categories na best actress at best new performer para sa kanyang pelikula na “Still Human.”

Sa nasabing movie, ginampanan ni Crisel ang papel ng Overseas Filipino Worker (OFW) na isinuko ang kanyang mga pangarap upang alagaan ang kanyang paralisadong amo sa Hong Kong.

Samantala, no regrets daw ang aktres na si Carmina Villaroel sa pagpapakasal noon kay Rustom Padilla na kilala na ngayon bilang BB Gandang Hari.

Say ni Carmina, hindi na niya mabubura ang nakaraan kahit gustuhin niya pa ito at kung ano ang nakamit niya ngayon ay bunga daw ito ng kanyang past experiences.

Facebook Comments