Pinay na nakaligtas sa parusang kamatayan sa UAE, hindi na papayagan ng pamilya na bumalik sa abroad

48

Manila, Philippines – Hindi na papayagan ng kanyang pamilya na bumalik uli sa abroad ang Filipina OFW na nakaligtas sa parusang bitay sa United Arab Emirates.

Ayon kay Ginang Alicia Dalquez, ina ng OFW, nais nila na alagaan na lamang ni Jennifer Dalquez ang mga anak nito sa Pilipinas.

Makabubuti aniyang magnegosyo na lamang si Jennifer habang binabantayan ang kanyang mga anak.

Si Dalquez ay magsisilbi muna ng limang taon sa kanyang sentensya bago makauwi ng Pilipinas.

Una nang sinampahan ng kasong murder si Jennifer matapos nitong mapatay sa saksak ang kanyang amo na nagtangkang manghalay sa kanya noong December 2014.

Facebook Comments