Pinay na si Maureen Wroblewitz, tinanghal na Asia’s Next Top Model Season 5

Manila, Philippines – Tinanghal na Asia’s Next Top Model si Maureen Wroblewitz.

Tinalo ng 19-anyos ng fil- german ang pambato ng Vietnam na si Minh Tu Nguyen at Shikin Gomez ng Malaysia.

Siya ang kauna-unahang pinay na nanalo sa naturang reality show.


Sa simula ng season 5 ng Asia’s Next Top Model ay tatlong pinay ang kasali na sina Jennica Sanchez, 20-anyos at ang 22-anyos na si Angelica Santillan.

Dahil sa panalo ay maglalagi ito sa London kung saan nakabase ang storm model management at magiging cover din siya ng nylon Singapore.

Bukod sa modeling contract ay panalo din ito ng cash prize at kotse.

Facebook Comments