Pinay restaurant manager sa Dubai, sinaluduhan

Maraming Pilipino ang nahiwalay sa kani-kanilang pamilya dahil sa umiiral na community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ang iba sa kanila ay nasa ibang lupain pa rin at naghihintay ng pagkakataong makauwi sa Pilipinas at makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.

Isa sa kanila si Baby Jane Malanday, Papa John’s Restaurant shift manager at store-in-charge sa Dubai sa loob ng apat na taon.


Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Ms. Malanday na kahit 50% ng sahod na lang ang kanyang natatanggap at malaki pa ang posibilidad na mahawa siya sa COVID-19, ipinagpapatuloy pa rin niya ang kaniyang trabaho.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Ms. Malanday na kumpleto ang mga benepisyong pangkalusugan na kanilang natatanggap mula sa kanilang employer lalo na ngayon na may pandemya.

Facebook Comments