Pinay sa Morocco, patay matapos mahulog sa apartment nito

29

Patay ang isang Filipina matapos mahulog mula sa ikatlong palapag ng tinutuluyang apartment sa Casablanca, Morocco.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng biktima.


Sa impormasyon mula sa Philippine Embassy sa Tripoli, na may hurisdiksyon sa Morocco, sinabi ni Embassy Chargé D’affaires Elmer Cato – nangyari umano ang insidente matapos makipagtalo ang Pinay sa kaniyang amo.

Tinatakasan umano ng biktima ang kaniyang amo nang mahulog ito mula sa apartment matapos gumamit ng tela para makababa.

 

Nasa kostudiya na umano ng mga awtoridad ang employer ng Pinay habang isinasagawa ang imbestigasyon.

 

Nagpadala naman ng mga tauhan ang embahada sa Casablanca upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng OFW.

Facebook Comments

From Advertisers