Pinay singer, napa-wow ang mga hurado sa X-factor UK

Manila, Philippines – Pinabilib ng 22 anyos na Pinay singer na si Alisah Bonaobra ang mga hurado sa sikat na singing competition sa X-Factor UK.

Inawit ni Alisah ang sikat na kanta ng American singer na si Beyonce Knowles na “Listen.”

Pagkatapos ng audition piece ng Pinay singer ay hindi napigilang maluha ng half-Filipino judge na si Nicole Scherzinger matapos siyang ma-inspire sa istorya ni Alisah na nakikipagsapalaran bilang maging na mang-aawit.


Ayon kay Simon Cowell, hindi man ito ang pinakamagaling na bersiyon ng kantang narinig niya, naniniwala umano siyang mayroong great energy ang dalaga na nagustuhan niya.

Nabatid na dati na ring sumali sa The Voice of the Philippines season 2 si Alisah kung saan nagtapos siya bilang runner up.

Facebook Comments