Pinay Tennis star Alexandra Eala, bigong manalo sa semifinals ng French Open Juniors

43
Photo Courtesy: Rafa Nadal Academy

Bigong makarating sa finals ng French Open Juniors ang Pinay Tennis Star na si Alexandra Eala.

Ito’y matapos siyang matalo sa semifinals ni Elsa Jacquemot ng France sa two sets, 3-6 at 2-6.

Dahil dito, makakaharap ng French tennis player sa championship match si Polina Kudermetova ng Russia.

Bagama’t natalo, umakyat naman sa No. 4 si Eala sa International Tennis Federation (ITF) junior ranking.

Siya rin ang kauna-unahang Pinay tennis player na nakarating ng semis sa isang grand slam event.

Facebook Comments