PINAYAGAN | Barangay officials na kasama sa narco list, pwedeng magsampa ng kaso sa PDEA

32

Manila, Philippines – Maaring magsampa ng kaso libelo laban sa Philippine Drug Enforcement Agency o Philippine Drug Enforcement Agency ang mga barangay officials na kasama sa inilabas na narco list.

Paliwanag ni Senator Panfilo Ping Lacson, kung sa tingin ng mga barangay officials na nasa narco list ay nasira ang kanilang reputasyon ay maari nilang kasuhan ang PDEA para humingi rin ng danyos.

Diin ni Lacson, hindi maaring gamiting depensa ng PDEA na sinunod lang nila ang utos ng Commander in Chief o ng Pangulo sa pagsasapubliko ng barangay narco list.

nauna ng nagpahayag ng pagtutol si Senator Lacson sa naging hakbang ng PDEA na tinawag pa niyang dumb at cruel.

Facebook Comments