Ping Medina, dedma muna sa akusasyong rape ni Baron Geisler

866
Instagram

Tumangging magsalita si Ping Medina hinggil sa paratang ng panggagahasa ng kapwa aktor na si Baron Geisler.

Sa ulat ng ABS-CBN “TV Patrol”, sinabi ng aktor na kokonsulta muna siya sa abogado, at aniya pa’y mayroong mas malaking problema ang bansa sa ngayon.


“Hi MJ. Our country has bigger problems than this atm. I will give a statement after conferring with my lawyers. Thank you,” saad niya sa text message sa reporter na si MJ Felipe.

Nitong nakaraang linggo nang ibunyag ni Geisler na ginahasa umano ni Medina ang dati niyang nobya, dahilan kung bakit niya inihian ang aktor sa taping ng isang pelikula noong 2016.

(BASAHIN: Baron Geisler, may pasabog tungkol kay Ping Medina: ‘He raped my ex-girlfriend’)

“True. My ex was raped by him and his friend,” sagot ni Geisler sa isang Twitter user na unang nagparatang kay Medina ng sexual harassment.




Nag-trending si Medina noong linggong iyon nang lumutang ang iba pang netizen na nagpakilalang biktima umano ng aktor.

Facebook Comments