PINILI | Direk Joyce Bernal, personal choice ni Pangulong Duterte na mag direct ng kanyang SONA – Secretary Andanar

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng MalacaƱang na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumili kay Direk Joyce Bernal para maging Direktor ng kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA ngayong buwan.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, pinili ng Pangulo si Bernal matapos itong irekomenda ng supporter na actor na si Robin Padilla.

Sinabi ni Andanar na ngayon ay nagpupulong narin sina Radio TV Malacanang o RTVM Director Demic Palaban, Bernal at mga miyembro ng Technical working group para ilatag ang plano sa gaganaping SONA.


Magsasagawa narin naman aniya bukas ng ocular inspection sa kamara para maplantsa pa ng mabuti ang mga plano.

Inamin din naman ni Andanar na isang malaking hamon ang pagdidirek ng SONA dahil sa limitadong lugar na maaaring paglagyan ng kamera.
matatandaan na sa dalawang nakalipas na taon ay ang tanyag na Direktor na si Brillante Mendoza ang nag Direct ng SONA ng Pangulo.

Facebook Comments