PINIRMAHAN NA | Appointment papers nila Locsin at Bautista nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Inilabas na ng Palasyo ng Malacañang ang appointment papers ni Teodoro “Teddy” Locsin bilang ad Interim Secretary ng Department of Foreign Affairs kapalit ni dating Secretary Alan Peter Cayetano na tumatakbo na ngayon sa pagkakongresista ng Taguig City.

Kasabay nito ang paglalabas din ng Appointment Papers ni dating Army Chief Rolando Bautista bilang ad Interim secretary ng Department of Social Welfare and Development na matagal nang nabakante matapos hindi pumasa Commission on Appointments si dating Secretary Judy Taguiwalo.

Ang dalawang appointment ay may petsang October 17.


Wala pa namang inilalabas na bagong appointment si Pangulong Rodrigo Duterte sa nabakanteng posisyon ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go at wala parin namang permanenteng presidential spokesman na pansamantala ngayong ginagampanan ni Secretary Salvador Panelo.

Facebook Comments