Pinoy boxer na si Jerwin Ancajas, all set na sa muling paghaharap nila ni IBF Champ Fernando Martinez

Asahan ang bago at mas determinadong Jerwin Ancajas sa muling paghaharap nila ni International Boxing Federation (IBF) Junior Bantamweight Champion Fernando Martinez ngayong weekend.

Mababatid na natalo si Ancajas laban kay Martinez nitong February 26 dahilan para makuha sa kanya ang IBF junior bantamweight belt matapos ang anim na taong pamamayagpag sa titulo.

Nakahanda na rin si Martinez upang harapin ang Pinoy boxer at tiniyak sa fans na ipapakita nilang dalawa ang isang matinding bakbakan.


Magaganap ang Ancajas-Martinez 2 sa Dignity Health Sports Park sa California mamayang alas-10:00 ng gabi (oras sa Amerika) o alas-10:00 ng umaga ng Linggo sa Pilipinas.

Facebook Comments