Pinoy boy band SB19, naungusan ang BTS bilang top spot sa hot trending songs ng Billboard!

175

Sinungkit ng Filipino pop group na SB19 ang unang pwesto sa pinakabagong Billboard Hot Trending Songs Chart ng Twitter.

Naungusan ng latest single ng SB19 na “Bazinga” ang international hit na “Butter” ng K-pop boy group na BTS.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naungusan ang BTS matapos ang anim na linggo nitong pamamayagpag sa naturang Billboard Chart.


Labis ang pasasalamat ng SB19 na binubuo nina Sejun, Stell, Josh, Ken at Justin sa kanilang mga fans na “A’TIN” (atin) sa nakamit nilang tagumpay.

Ilan sa mga kilalang kanta ng SB19 ay “Go Up”, “Alab” at collaboration single nila kasama ang Ben & Ben na “Mapa”.

Facebook Comments