Pinoy celebrities, na-hook na rin sa Avatar craze

156

Maging ang local celebrities ay naki-uso na rin sa kinahuhumalingan ng mga Pinoy ngayon.

Ito ang bagong features ng social media giant na “Facebook Avatars”, isang digital persona ng inyong sarili kung saan maaari kang gumawa ng digital cartoon ng iyong sarili.


Kabilang sa mga na-hook sa Avatar craze ay sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Ruru Madrid, Ken Chan, Ben & Ben at ang brodkaster na si Jessica Soho.

Ayon sa Facebook, ang Avatar ay new form ng self-expression ng users sa buong mundo.

Una itong inilabas sa Australia noong June 2019 habang ngayong taon ito binuksan sa New Zealand, Europe, Canada, USA, Ireland India at Pilipinas.

Facebook Comments