‘Pinoy Hachiko’, na hit and run!

Screenshot from Facebook video/ Mark Christian Arceo

Hindi pa man umaabot ng isang buwan matapos pumanaw ang kaniyang amo, namatay si ‘Buboy’ sa aksidenteng hit-and-run nitong Miyerkules.

Si Buboy o ‘Pinoy Hachiko’ ay nag-viral nitong Mayo nang makuhanan ng video na nag-aantay pa rin sa kaniyang amo sa labas ng classroom na hingid sa kaniyang alam na pumanaw na pala ito.

Ayon sa Facebook post ng Animal Kingdom Foundation, nasagasaan ito ng jeep nang sinundan nito ang gwardiya ng paaralan habang pauwi ito.


Sinabi rin nsa post na maski holiday, pumunta ng paaralan ang mga volunteer at caregiver upang matignan si Buboy.

Nakidalamhati naman ang mga netizen sa pagpanaw ni Buboy at sinabing hindi talaga sila mapaghihiwalay ng kaniyang amo.

Ayon kay Gidgetta Golden, “Dapat lang na imbistigahan itong case ni Buboy dahil maraming frustrated sa nangyari…. Marami kaming nagmamahal kay Buboy!”

Sinabi naman na Harvie Cruz na dapat bigyan ng monument ang katulad ni Buboy.

“I think, this dog deserves also a monument like hachiko for being so loyal to his master till their death. To justify this, marami na tayong monument of national heroes..
And monument for Buboy could be a great opportunity not to forget their story and to be an eye opener to respect and cherish not only dogs but all kinds of animals,” ani ni Cruz.

Pumanaw ang kaniyang amo na si Carmelito Marcelo, isang propesor sa Mabalacat City College, nitong Mayo 18 dahil sa sakit sa puso.

 

Facebook Comments