Pinoy illegal immigrants na nagbabayad ng tax sa Amerika, posibleng hindi makasama sa crackdown

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Washington D.C. Jose Manuel Romualdez na malaki ang tsansang hindi mapa-deport ang Pinoy illegal immigrants sa US na nagbabayad ng buwis doon.

Partikular aniya ang mga Pinoy na matagal nang nagtatrabaho sa US at malinis ang record.

Gayunman, ang Pinoy illegal immigrants aniyang overstaying sa US at may pinanghahawakan na tourist visa ay posibleng mapasama sa crackdown.


Kinumpirma rin ni Ambassador Romualdez na isa sa mga Pinoy na nasa hanay ng deportation ang nakakulong pa sa Amerika.

Naghihintay pa aniya kasi ito ng kanyang susunod na court hearing kaya wala pang katiyakan ang pag-deport sa kanya.

Ilan din sa Pinoy illegal immigrants ang patuloy pang ini-evaluate kung sila ba ay makakasama sa deportation list.

Facebook Comments