Pinoy Karateka James Delos Santos, patuloy ang paghahakot ng gintong medalya!

42

Tatlong gintong medalya ang idinagdag sa bansa ng world no. 2 sa virtual kata rankings na si James Delos Santos

Ito ay matapos niyang magkampeon sa tatlong E-Tournaments na nilahukan.

Dahil dito, walo na ang naipong gold medal ni Delos Santos sa loob lamang ng ilang buwan.

Nitong linggo, nagwagi ang Pinoy kontra kay Matias Moreno Domont ng Switzerland sa finals ng Echampions Trophy World series para sa kanyang pang-anim na titulo.

Umiskor pa ito ng dalawa pang panalo sa sumunod na araw sa layunin nitong makuha ang world no. 1 rank.

Facebook Comments