Pinoy MMA Legend Eduard Folayang, bigong manalo kontra Australian fighter

184
Photo Courtesy: One Championship

Nabigong manalo ang Pinoy Mixed Martial Arts (MMA) Legend na si Eduard Folayang kontra sa Australian fighter na si Antonio Caruso.

Natalo sa pamamagitan ng unanimous decision si Folayang kung saan ito ang naging kaniyang comeback fight sa “ONE: Inside the Matrix card” matapos ang siyam na buwan.


Ginanap ang laban ng 36-anyos na Pinoy Fighter sa Singapore Indoor Stadium at ito rin ang ika-apat niyang pagkatalo sa nakaraang limang laban.

Dahil sa panalo ni Caruso, hawak niya ngayon ang record na 8 panalo at 1 talo habang si Folayang ay may record na 22 wins at 8 losses.

Facebook Comments