Pinoy na infected ng COVID-19 sa Singapore, 20 na lang

39

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Singapore na 20 mga Pilipino na lamang ang may aktibong kaso ng COVID-19.

597 naman ang gumaling na mula sa kabuuang 617 na mga Pinoy doon na na-infect.


Mahigpit pa rin ngayon ang pinaiiral sa Singapore na restrictions sa pagtungo sa mga pampublikong lugar.

Kabilang dito ang paglimita sa 2 tao lamang sa pagdalo sa pagtitipon.

Mahigpit din ang paalala ng Philippine Embassy sa mga Pinoy sa Singapore na panatilihin ang pagsunod sa health protocols.

Facebook Comments