Pinoy Na Nasugatan Sa Pagsabog Sa Airport Sa Shanghai, China. Pabalik Na Ng Bansa Ngayong Araw

15

SHANGHAI, CHINA – Nakatakda nang dumating sa bansa ngayong araw ang Pinoy na napaulat na nasaktan matapospagsabog na naganap sa Pudong International Airport sa Shanghai, China.Sa interview kayForeign Affairs Spokesperson Asec. Charles Jose, sinabi niya na minor injury lang ang tinamo ng biktimang Pinoy.Sakay ng eroplano ng Philippine Airlines (PAL) ay pabalik na sa bansa ngayong araw ang Pinoy na nadamay sa pagsabog.Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, itinapon ng suspek ang isang home-made explosive malapit sa Terminal 2 ng paliparan.Pagkatapos umanong ihagis ng lalaki ang pampasabog ay agad nitong inilabas ang isang kutsilyo at nilaslas ang sariling leeg.Agad namang dinala sa ospital ang tatlong hindi pinangalanang biktima gayundin ang suspek.Sa ngayon, itinaas ang major security alert sa paliparan matapos ang pagsabog.

Facebook Comments