PINOY PRIDE | Marcelito Pomoy, nag-guest sa "The Ellen Show"

1138

Feeling nasa cloud nine pa din ang Pinoy singer na si Marcelito Pomoy makaraang mag-guest sa sikat na “The Ellen Show”.

Sinasabing ikinatuwa ni Ellen Degeneres ang naging performance ni Marcelito kung saan nagbabago ito ng boses ng kantahin ang “The Prayer”.

Sa tulong ng isang interpreter, personal na nakausap ni Marcelito si Ellen at dito ay ibinahagi ng Pinoy singer ang kaniyang karanasan bago pa man nanalo sa ‘Pilipinas Got Talent’ Season 2.

Matatandaan na bukod kay Marcelito, naging guest na din ni Ellen ang iba pang mga Pinoy talents tulad nina Arnel Pineda, Rhap Salazar, AC Bonifacio, Balang at marami pang iba.

Facebook Comments