Pinoy repatriates mula Japan at Middle East, darating ngayong araw sa bansa sakay ng pitong flights

39

2,120 Fililpino repatriates mula sa Japan at Middle East ang sunod-sunod na dumarating ngayon sa bansa sakay ng iba’t ibang flight.

Unang dumating ang 350 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Dammam sakay ng Philippine Airlines flight PR683.

Sumunod naman ang 300 Fililpino repatriates mula Qatar via Philippine Airlines flight PR685.

Ang ikatlong flight naman na dumating ay ang 300 Filipino repatriates mula Bahrain via Gulf Air flight GF154.

Habang 350 OFWs mula Jeddah via Saudia Airlines flight SV862 ang darating naman bago mag alas-2:00 ngayong hapon.

320 Pinoy repatriates din mula Abu Dhabi via Etihad Airlines flight EY424 ang darating ng alas-2:35 ng hapon.

320 overseas Fililpino repatriates mula Dubai via Emirates Airlines flight EK332 ang darating din ng alas-4:15 ng hapon.




Habang ang huling batch na 180 Filipino repatriates mula Narita, Japan sakay ng Philippine Airlines flight PR427 ay darating naman ng alas-5:00 ngayong hapon.

Facebook Comments