Pinoy, sugatan sa barilan ng bodyguard ng Saudi king at kaibigan nito

3246
FILE PHOTO: Royal Major General Abdul Aziz Al Faghm (left) binabantayan si Saudi King Salman bin Abdul Aziz Al Saudi sa Antalya, Turkey.

Sugatan ang isang Pinoy matapos madamay sa barilang naganap sa pagitan ng personal aide ng hari ng Saudi Arabia na si King Salman bin Abdul Aziz Al Saudi at kaibigan nitong Sabado ng gabi.

Batay sa ulat ng Saudi Arabia state media, naganap ang insidente sa tirahan ng kaibigan ni Royal Guard Major General Abdul Aziz al-Faghm sa al-Shatee district ng Jeddah.


Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Faghm at kaibigang si Mamdouh bin Meshaal bin Ali.

Makalipas ang ilang sandali, bumalik sa loob ng bahay si bin Ali para kumuha ng baril at bigla na siyang namaril nang walang habas.

Kasama din sa mga nasugatan sa putukan ang limang miyembro ng security forces at isang Saudi national.

Agad isinugod sa pagamutan si Faghm pero binawian din ng buhay kinalaunan.



Tumanggi naman sumuko si bin Ali dahilan para barilin siya ng mga pulis. Dead on the spot din sa naturang shootout ang suspek.


Samantala, maayos na ang kalagayan ng kababayang nadamay at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Facebook Comments