Pinsala ng Bagyong Rolly sa imprastraktura, umabot na sa P5.6 billion – DPWH

66

Umabot na sa ₱5.6 billion ang pinsalang iniwan ng Bagyong Rolly sa sektor ng imprastraktura.

Sa tala ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang karamihan sa naitalang pinsala ay mula sa Bicol Region na umaabot sa ₱4.5 billion.


Ang halaga ng pinsala sa kalsada ay nasa ₱558 million, ₱452 million sa tulay, ₱1.8 sa tulay, gusali na nasa ₱1.358 billion at public buildings na nasa ₱352 billion.

Aabot naman sa ₱1.1 billion ang halaga ng napinsala sa CALABARZON.

Sinimulan na ang clearing operations kung saan 4,900 personnel at 776 heavy equipment ang naka-deploy na.

Facebook Comments