Pinsala ng Bagyong Ulysses sa imprastraktura at agrikultura umabot sa mahigit P12-B‬

82

Sumampa na sa halagang mahigit P12-B ang iniwang pinsala ng Bagyong Ulysses sa imprastraktura at agrikultura.‬

‭Batay ito sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).‬


‭Sa kanilang datos ay mahigit P4-B ang pinsala ng Bagyong Ulysses sa agrikultura habang mahigit P8-B sa imprastraktura.‬

‭88,713 bahay naman ang nasira, mahigit 9,000 ay totally damaged habang 78,950 ay partially damaged.‬

‭Nanatili naman sa 73 ang nasawi, habang 68 ang nasugatan at 19 ang nawawala na ngayon ay patuloy na pinaghahanap.‬

Facebook Comments