Pinsala sa agrikultura sa Eastern Visayas at CARAGA dahil sa Bagyong Agaton, umabot na sa higit ₱400-M

172

Umabot na sa ₱423.8 milyon ang halaga ng mga napinsalang pananim sa Eastern Visayas at CARAGA Region dahil sa pananalasa ng Bagyong Agaton.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), nasa higit 6,500 na magsasaka ang naapektuhan ng bagyo habang nasa higit 25,000 metrikong tonelada ng mga produktong agrikultural ang nasira at 10,920 ektaryang sakahan naman ang naapektuhan.

Kabilang sa mga nasirang pananim ay ang palay, mais, high-value crops, at livestock.


Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng assessment ang DA at tiniyak rin nito na may nakahandang ayuda ang ahensya para sa mga naapektuhang magsasaka.

Facebook Comments