PINULONG | PRRD, pinagbati na ang mga miyembro ng PDP-Laban – SAP Bong Go

390

Manila, Philippines – Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang close door meeting ang mga miyembro ng kanyang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ginanap ang pulong sa Diamond Hotel sa lungsod ng Maynila.


Sa mga litrato na ibinahagi ni Special Assistant to the President Bong Go, makikitang pinagbabati ng Pangulo ang dalawang paksyon nina Senador Koko Pimentel at Atty. Rogelio Garcia.

Ang grupo ni Garcia ang sinasabing mga bagong officers ng partido na layong palitan sina Pimentel bilang presidente ng partido at si House Speaker Pantaleon Alvarez bilang secretary-general.

Ayon kay Go, pinag-isa na ng Pangulo ang mga kasamahan sa partido sa nangyaring pulong.

Nabatid si Pangulong Duterte ay chairman ng PDP-Laban.

Facebook Comments

From Advertisers