Pinuno ng Northern Luzon Command, posibleng italaga bilang chairperson ng MWSS

197

Posibleng italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lieutenant General Emmanuel Salamat bilang chairman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Si Salamat ay kasalukuyang pinuno ng Northern Luzon Command at nakatakdang magretiro sa July 15.


Ayon kay Pangulong Duterte – ipapalit niya si Salamat kay retired Lieutenant General Ricardo Morales na kamakailan lang ay italaga niyang administrator ng MWSS.

Kung papayag aniya si Morales, ililipat na lang niya ito sa ibang posisyon.

Kasabay nito, dinepensahan din ng Pangulo ang pagtatalaga niya sa mga dating heneral sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno.

Facebook Comments

From Advertisers