PINURI | Diokno one of the best and brightest sa gabinete – Palasyo

Manila, Philippines – Solido ang reputasyon ni Budget Secretary Bendamin Diokno kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang mga kasamahan sa Gabinete.

Ito ang sinabi ng MalacaƱang sa harap na rin ng kinasasangkutang issue ni Diokno patungkol sa 75 billion pesos na dagdag sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Benjamin Diokno, nagpapatuloy ang pagtitiwala ni Pangulong Duterte kay Diokno sa kabila ng mga issue dito.


Sinabi ni Panelo sa mata ni Pangulong Duterte ay walang bahid ang serbisyo ni Diokno sa gobyerno.

Binigyang diin pa ni Panelo na bilang isang economic manager ng bansa ay ikinokonsidera ni Pangulong Duterte na isa sa pinakamagaling at matalino sa kanyang official family.

Facebook Comments