PINURI | Mga kongresista, pinuri at pinasalamatan ang pagkapanalo ni Pacquiao laban kay Matthysse

239

Manila, Philippines – Nagpaabot ng papuri ang mga dating kasamahan ni Senador Manny Pacquiao sa Kamara sa pagkapanalo nito sa laban kay Lucas Matthysse.

Ayon kay Surigao del Sur Representative Robert Ace Barbers, inaasahan na ng mga kasamahang mambabatas ang pagkapanalo ni Pacquiao at ang panibagong parangal na iniuwi nito sa bansa.

Para naman kay Eastern Samar Representative Ben Evardone, isang “Morale Booster” ang panalo ni Pacquiao sa bansa na nahaharap ngayon sa maraming hamon.


Naniniwala naman sina Deputy Speaker Miro Quimbo at CIBAC Partylist Representative Sherwin Tugna na marami ang nabigyan ng pag-asa kung saan ito ang kailangan ngayon ng marami sa mga Pilipino.

Dagdag naman ng magkapatid na Davao City Representative Karlo Nograles at PBA Partylist Representative Jericho Nograles, dahil sa honor at pride na muling ibinigay ni Pacquaio sa bansa, maraming mga Pilipino ngayon ang inspiradong magpursige sa buhay katulad sa pagsisikap na ginawa ng Pambansang Kamao.

Facebook Comments