Piolo Pascual, nagsalita na sa pagsama niya kay Direk Joyce Bernal sa shooting sa Sagada

95

Nagsalita na ang aktor na si Piolo Pascual kaugnay sa pagbabatikos sa kaniya ng mga netizen dahil sa pagsama niya sa grupo ni Direk Joyce Bernal sa Sagada.

Ayon kay Piolo, walang bahid ng pulitika ang pagtungo niya sa Sagada taliwas sa inaakala ng iba.


Wala ring kinalaman ang pagiging magkaibigan nila ni Direk Joyce sa kung anong political beliefs ang meron siya.

Nalungkot din ang aktor na nahusgahan siya kaagad nang hindi man lang naririnig ang kanyang panig.

Maliban dito, nagpasalamat naman si Papa P sa mga kasamahan sa media na hindi agad siya hinusgahan.

Hindi kasi aniya puwedeng kwestyunin ang loyalty niya sa ABS-CBN dahil napakalaki ng utang na loob niya sa network na naging instrumento para maging matagumpay ang kanyang showbiz career.

Sa huli, nakiusap ang aktor na magtulungang i-encourage ang isa’t-isa, manalangin at palaganapin ang pag-asa, at pagmamahal.




Maikli lang ang buhay kaya hindi na dapat pairalin ang galit at poot.

Facebook Comments