Piolo Pascual, nakilahok na sa advocacy project ni Gretchen Ho

45

Nakiisa na ang aktor na si Piolo Pascual kay athlete-host Gretchen Ho sa proyekto nitong ‘Donate a Bike, Save a Job’.

Bilang pakikiisa sa adbokasiya ni Ho, namahagi ang aktor ng 100 bisikleta, helmet at vests bilang paunang donasyon at susundan pa niya ng karagdagang 100 set ng bisikleta sa susunod na araw.


Layunin ng proyekto na mamahagi ng bisikleta sa mga taong walang kakayanang bumili nito para magamit sa kanilang trabaho pati na rin sa mga taong nawalan ng hanapbuhay bunsod ng pandemya.

Nabatid na maraming na ring celebrities at ilang personalidad ang nakibahagi rito kabilang na sina Sam Milby, Zanjoe Marudo, ang mga host na si Lyn Ching at Suzie Entrata pati na rin si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Facebook Comments