PIPILITIN | AFP, lilipulin ang ASG at ililigtas ang natitirang bihag nito bago matapos ang taon

51

Manila, Philippines – Pipilitin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bago matapos ang taong 2018 ay malipol nila ang lahat ng miyembro at lider ng Abu Sayyaf Group at mailigtas ang lahat ng kanilang bihag.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana, ito ang utos ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr.

Kaya naman best effort ang kanilang gagawin upang maisakatuparan ang kanilang layunin.

Sa ngayon, aniya ginagamit na nila ang lahat ng available na war materiel, ground mobility air at sea mobility.

Sakali namang hindi magawa ng AFP ang misyon nilang ito, may dalawang taon pa silang timeline para isakatuparan ito.
Sa ngayon, mayroon pang 12 bihag ang ASG, 5 rito ay banyaga at 7 ay Pinoy.

Habang aabot pa rin sa 300 ASG mayroon sa Sulu.

Facebook Comments