Pira-pirasong bahagi ng bangka at katawan ng tao, nakita ng mga mangingisdang palutang lutang sa baybayin ng Samar

508

Natagpuang palutang-lutang ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng tao sa baybayin ng Brgy. Poblacion B, Tarangnan Samar kahapon ng umaga.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force Storm spokesperson Cpt. Ryan Layug, kasamang nakita ang labi ng mga debris ng motorized banca.

Sinabi pa ni Cpt. Layug na magkakahiwalay nang makita ng mga mangingisda ang bahagi ng bangka maging ang lower part ng isang tao na pinaniniwalaang isang babae.


Agad namang itinurn over ang mga labi at ang wreckage sa Tarangnan Municipal Police Station at hinihintay ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) para sa documentation at pagkuha ng laboratory samples.

Matatandaan nitong Lunes nang makasagupa ng tropa ng militar ang umano’y 10 myembro ng NPA sa Samar, kung saan sinasabi pa na sakay ‘di umano nito ang mag asawang lider ng CPP-NPA-NDF na sina Benito at Wilma Tiamzon.

Base pa sa report sumabog ang nasabing motor banca pero hindi naman na-rekober ang mga sakay nito.



Facebook Comments