PISTON hindi natatakot sa mga banta kasabay ng ikinasang tigil-pasada ngayong araw

Tuloy pa rin at hindi natatakot ang grupong PISTON sa kasabila ng babala ng Malacañang at  banta ng Department of Transportation o DOTr na kakanselahin ang kanilang prangkisa kapag nagsagawa sila ng tigil-pasada.

Ayon kay DOTr Undersecretary Markk De Leon, obligasyon ng mga tsuper at operator na pagsilbihan ang mga pasahero.

Kapag ito ay dinaan sa isang strike or tigil-pasada may basehan na para makansela ang kanilang mga prangkisa.


Samantala, kanina napasugod sa Welcome Rotonda ang mga tauhan ng LTO matapos makatanggap ng impormasyon na may mga pumapasadang jeep na hinaharang ng mga nagkikilos-protesta.

Facebook Comments