PITO KATAO, ARESTADO SA ONLINE SABONG SA BAYAN NG SAN FABIAN

449

SAN FABIAN, PANGASINAN – Timbog ang pitong katao matapos maaktohang naglalaro ng online sabong sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Ikinasa ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng CIDG Dagupan at PNP San Fabian ang anti-illegal gambling operation sa Brgy. Tocok sa nasabing bayan. Pasado alas otso ng gabi kung saan ay naaktuhan ang mga suspek.


Napag-alaman sa operasyon ang pagkakakilanlan ng mga suspek na sina Precious Joy Dudang, Ruby Ann Makiling, Juanito Dudang, Juanito Anteojo, Julius De Guzman, Leo Arzadon at Reynaldo Quero pawang mga residente sa nasabing bayan.

Nakumpiska sa kustodiya ng mga suspek ang isang computer set ng piso net at taya ng mga ito na aabot sa humigit kumulang dalawang libong piso.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments