Pito katao sugatan sa pagsabog ng granada sa bayan ng sultan kudarat

54

Sa Maguindanao, Pito katao  ang sugatan  matapos na hagisan ng granada ang isang payong-payong na motorsiklo  noong  Sabado pasado alas siyete ng umaga  sa bahagi ng Barangay Rebuken sa bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao.

Ang pito ay nagtamo ng mga shrapnel wounds sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan,na kaagad na isinugod sa  Sanitarium hospital sa Pinaring ang limang sugatan habang ang dalawa ay dinala sa  Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).

Ayon sa paunang inbestigasyon ng Sultan Kudarat PNP sa pangunguna ni Police Major Julhamin Asdani, pababa na umano sa Payong-Payong ang mga biktima ng hagisan ng granada ng dalawang suspect na sakay ng single motorcycle na minamaneho ni Sadam Kakabuat.

Matapos ang panghahagis ay mabilis namang tumakas ang mga suspect.Sa ngayon ay patuloy naman ang pagsisiyasat ng kapulisan sa insedente.

Facebook Comments