Pito, sugatan sa sunog sa Davao City

165

Manila, Philippines – Sugatan ang pitong katao sa nangyaring sunog sa Pampanga village sa Davao City.

Ayon kay Bureau of Fire Protection Davao City Fire and Arson Investigator Senior Fire Officer 4 Ramil Gillado – nagtamo ng first at second degree burn ang mga biktima kabilang ang dalawa nilang tauhan na rumesponde sa sunog.


Nagsimula ang sunog sa Sagrex Corporation, isang kumpany na nag-eexport ng mga processed foods kung saan nadamay ang ilang katabing establisyimento.

Aabot sa 35 milyong piso ang iniwang pinsala.

Inaalam na ang naging sanhi ng sunog.
DZXL558

Facebook Comments