Patuloy na pinapalakas ng Lokal na Pamahalaan ng Villasis ang mga programang pang-agrikultura matapos mamahagi ng mga traktora sa pitong barangay na pinondohan mula sa Tobacco Excise Tax.
Kabilang sa mga tumanggap ng traktora ang mga barangay ng Lipay, San Blas, Unzad, Labit, Bacag, Tombod, at Amamperez. Bahagi ito ng patuloy na suporta ng LGU sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng makabagong kagamitan at pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa kabuhayan ng mga magsasaka.
Layunin ng programa na matulungan ang mga magsasaka sa pagpapabilis ng paghahanda ng kanilang sakahan at mapataas ang produksyon ng agrikultura sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








