Pitong buwan gulang na sanggol, kinidnap ng yaya sa Caloocan City

168

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ng mga otoridad ang isang babaeng matapos nitong kunin ang pitong buwang gulang na sanggol na alaga nito sa Caloocan City.

Nakunan pa ng CCTV si Josephine Asuncion karga ang sanggol habang naglalakad sa Fider St. Brgy. 122, Caloocan City.


Sa isa pang CCTV footage, muling nakita si Josephine na karga pa rin ang sanggol habang sakay ng isang tricycle at nagpahatid sa istasyon ng bus.

Ayon sa ina ng sanggol na si Girlie Mejia, nagpaalam ang kasambahay na si Asuncion sa may-ari ng inuupahan nilang bahay na dadalhin ang bata sa kanila sa trabaho.

Pero kwento ng secretary ng brgy. na si Sharon Ilan, kinutuban noon ang tricycle driver na sinakyan ng suspek dahil sinabi nitong anak niya ang kasama.

Umapela naman si Girlie sa kasambahay na ibalik na sa kanila ang kaniyang anak.




Nag-alok naman ng P25,000 pabuya ang employer ng suspek para sa mga makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek at ng sanggol.

DZXL558

Facebook Comments