Pitong estudyante, patay sa avalanche sa Japan

Manila, Philippines – Patay na ang pitong high school students at isang guro matapos matabunan sa naganap na avalanche sa Japanese Ski Resort.
 
Ayon sa local fire department, nahirapan ang mga rescuers sa paghanap sa mga bangkay ng biktima dahil sa sama ng panahon.
 
Nagsasagawa kasi ng ski at climbing lessons ang mga mag-aaral bilang bahagi ng mountaineering group sa Nasu Onsen family ski area sa Tochigi Prefecture.
 
Nakaligtas naman ang mga kasamahan ng mag-aaral matapos ang agarang makababa sa bundok.

Facebook Comments