Pitong katao, nasawi matapos bumagsak ang isang helicopter sa bahagi ng Bulonay, Bukidnon

83

Pito ang nasawi matapos bumagsak ang isang Huey helicopter sa bahagi ng Bulonay, Bukidnon kahapon.

Ayon sa Philippine Air Force, sakay nito ang apat na aircrew at tatlong pasahero na magdadala sana ng supply para sa 8th Infantry Battalion ng Philippine Army.


Kasunod nito, nagpaabot na ng pakikiramay si PAF Commanding General, Lt Gen Allen Paredes sa mga naiwang pamilya ng biktima at tiniyak din nito na magbibigyan sila ng tulong.

Magsasagawa na rin ang Air Force ng imbestigasyon para matukoy ang pinagmulan ng aksidente.

Facebook Comments