Pitong mga kidnapper na Abu Sayyaf, patay sa sagupaan sa Sulu

Nasawi ang pitong mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa operasyon ng Joint Task Force (JTF) Sulu sa Sulare Island, Parang Sulu kaninag pasado alas-2:15 ng madaling araw.

Ayon kay JTF Sulu Commander Major General William Gonzales, sakay ng Augusta Attack helicopter at multi-purpose attack craft ang mga sundalo nang maabutan at mapatay ang pitong Abu Sayyaf na sakay ng twin engine speed boat.

Kinilala ang ilan sa mga ito na sina Madsmar Sawadjaan, kapatid ni Mundi Sawadjaan, Mannul Sawadjaan, alyas “Abu Amara”, na pumalit sa nasawing si senior leader na si Hajan Sawadjaan.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang retrieval operation sa lumubog na speed boat kung saan sakay ang mga Abu Sayyaf na namatay.

Facebook Comments