Pitong staff ni Davao City Rep. Paulo Duterte, sabay-sabay na nagbitiw sa trabaho

4513

Magkakasabay na nagbitiw sa kanilang trabaho ang pitong staff sa tanggapan ni Davao City Representative Paulo Duterte.

Nag-ugat ito nang hilingin ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap ang pagbibitiw sa pwesto ng Chief of Staff (COS) ni Duterte na si Atty. Sherwin Castañeda dahil umano sa isyu ng mismanagement.


Si Yap kasi ang nagrekomenda kay Duterte na kunin ang abogado na COS.

Kasabay ng pagreresign ni Castañeda ay sumunod na ring naghain ng kanilang irrevocable resignation ang anim pang staff sa opisina ng kongresista.

Plano naman ni Duterte na kumuha ng mga kapalit na staff mula sa kaniyang opisina sa Davao City.

Facebook Comments