Pitong taong gulang na bata, nalunod sa swimming pool sa Pagadian

84

Pagadian, Philippines – Patay ang isang pitong taong gulang na batang babae makaraang malunod ito sa swimming pool sa barangay palpalan lungsod ng Pagadian.

Kinilala ang biktima na si Jorelyn Amba Residente sa Barangay Sto. Niño, Pagadian.

Sa panayam ng RMN kay Jobelen Sandalo, tiyahin ng biktima, nagdiriwang ng birthday party ang ama ng bata sa nasabing resort at naengganyong maligo sa pool.

Subalit napansin na lamang ng mga kasama na ang bata ay nasa ilalim ng malalim na bahagi ng swimming pool.

Agad itong isinagip at isinugod sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival ng doctor.

DZXL558

Facebook Comments