PITX, nagpasaklolo na sa LGUs kaugnay ng mga kolorum na sasakyan sa labas ng kanilang terminal

Umapela ang ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Local Government Units (LGUs) ng Pasay at ParaƱaque City kaugnay ng paglipana ng mga kolorum na jeep at bus sa labas ng kanilang terminal.

Ayon kay PITX Corporate & Government Relations Head Jason Salvador, nalalagay sa peligro ang mga pasahero ng mga kolorum na sasakyan lalo na’t nagsisiksikan at hindi na makontrol ang mga pasahero na aniyaā€™y labag sa health protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sinabi ni Salvador na ang mga bus mula Cavite, Laguna at Batangas ay dapat dumaan sa PITX, alinsunod sa panuntunan na itinakda ng Transportation Department.


Nagtataka rin ang PITX kung bakit nakakalusot sa Pasay at ParaƱaque Traffic ang mga kolorum na jeep at provincial buses.

Facebook Comments