PLAKA | Mga nagparehistro mula 2016, mabibigyan na; Pero mga nagparehistro ng 2013-2015, hindi pa rin maiisyuhan

48

Good news, sa Marso ng susunod na taon, mabibigyan na ng plaka ang mga sasakyang nagparehistro mula 2016.

Pero ang bad news, hindi pa rin mai-isyuhan ang mga sasakyang nauna pang nagparehistro mula 2013 hanggang 2015.

Paliwanag ni Land Transportation Office (LTO) Chief Asec. Edgar Galvante – hindi pa rin kasi inaalis ang notice of disallowance sa lumang kontrata sa pagitan ng mga taong 2013 at 2015 registrations na inilabas ng commission on audit.

Nagkaroon lang aniya ng bagong kontrata ang LTO para kahit papano ay mabawasan ang backlog sa mga license plate.

Sa ilalim ng bagong kontrata, ang LTO ang siyang bibili ng makina para sa paggawa ng plaka.

Facebook Comments