PLANE CRASH | Cessna plane nag-crash sa Pangasinan; 2 sakay nito, sugatan

159

Pangasinan – Nag-crash ang isang tow-seater airplane sa taniman ng mais sa bayan ng Binalonan, Pangasinan.

Sugatan sa insidente ang piloto ng Cessna Plane 152 na si Capt. Bruce Sinaking at student pilot na si Marcus Lim.

Ayon kay Binalonan Police Chief Inspector Lovell Dalisay, pa-take off na sana ang eroplano nang bigla itong nagliyab.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Civilian Aviation Authority of the Philippine (CAAP) sa insidente.

Facebook Comments