PLANE CRASH | Search and rescue operations sa bumagsak na eroplano sa Indonesia, nagpapatuloy

113

Ipinatutupad na ng Indonesian government ang 24-hour search and rescue operation para sa mga survivor ng Lion Air flight JT 610 matapos itong bumagsak sa dagat.

Lulan ng 181 pasahero, anim na cabin crew members at dalawang piloto ang eroplano.

Dinala sa pagamutan ang 21 katawan ng tao na narekober sa lugar ng pinagbagsakan upang sila ay makilala.

Kinumpirma naman na may 20 ministry officials ng Indonesia ang kasama sa bumagsak na eroplano.

Facebook Comments