PLANE CRASH UPDATE | Patay sa pagbagsak ng isang eroplano sa Plaridel, Bulacan, umabot na sa 10; DNA test sa mga biktima, posibleng isagawa

125

Plaridel, Bulacan – Pumalo sa sampu ang narekober na patay sa bumagsak na
piper pa-23 apache aircraft sa Plaridel, Bulacan.

Ayon kay Plaridel PNP Chief, Superintendent Julio Lizardo, ang limang
pasahero ng eroplano ay lahat nasawi habang limang residente din ang patay
matapos mabagsakan ng eroplano.

Pasado alas-11:00 ng umaga kahapon nang mag-take off ang eroplano sa
Plaridel airport patungong Laoag pero bigla itong bumagsak 50-metro mula sa
runway.

Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)
ang nangyari.

Facebook Comments